GATTARAN, Cagayan -- Nakuha ng mga awtoridad dito ang apat na unexploded ordnance (UXO) na inilarawan bilang Japanese Cartridge 81 High Explosive at Vintage Bomb sa bakanteng lote at abandonadong bahay sa Brgy. Centro Sur, Gattaran.
Iniulat ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) Miyerkules ng gabi na ang pinagsanib na tauhan ng Gattaran Police Station sa pangunguna ni Major Ronald M Balod Chief of Police, Cagayan Provincial Explosive Ordnance Device (EOD) at Canine Unit (k9 Unit) sa pangunguna ni Lieutenant Danilo Belnas at 2nd Maneuver Force Platoon ,2nd Provincial Mobile Force Company ay tumuloy sa Brgy. Centro Sur, bandang 5:30 PM noong Agosto 2, 2022.
Apat na unexploded ordnance (UXO) ang nakuha sa bakanteng lote na pag-aari ni Honesto Buenio.
Nakuha rin ang isang vintage bomb sa abandonadong bahay sa Zone 2, Brgy. Takiki, Gattaran, Cagayan na kinilala bilang 100 pounds General Purpose Bomb na may haba na humigit-kumulang 60 sentimetro at may diameter na mahigit o mas mababa sa 20 sentimetro. 3.
Isang Visitacion Molina, residente ng Brgy. Takiki, Gattaran, Cagayan ang personal na nag-ulat kay Gattaran PS na natuklasan niya ang isang vintage bomb sa abandonadong bahay sa kanilang barangay.
Agad na rumpesonde ang EOD/K9 team na nakabase sa CPPO para magbigay ng agarang teknikal na tulong .
Nasa kustodiya na ngayon ng Cagayan Provincial EOD at K9 Unit ang natuklasang unexploded ordnance at vintage bomb para sa tamang disposisyon, ani Investigator on case- Staff Master Seargeant Edgar E Mandac.