Umaapela ang grupong mga guro kay Vice President, Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio na itakda na lamang sa Setyembre ang pagbubukas ng klase sa buong bansa upang makapagpahinga sila nang husto.
Iginiit niTeachers' Dignity Coalition (TDC) national chairperson Benjo Basas, may karapatan ang mga guro na mabigyan ng dalawang buwan na summer break sa regular school year.
"Walang problema sa amin ang face-to-face [classes]. Ang sa amin lamang naman, ang mga teachers natin hanggang ngayon, hindi pa nagpapahinga, hanggang ngayon hindi pa nagkakaroon ng maayos na rest," pagdidiin nito nang kapanayamin sa telebisyon.
Wala umanong sick at vacation leave ang mga guro hindikatulad g mga empleyado.
Aniya, ang huling school year ay natapos noong Hunyo 24 at ipinatupad naman ang "Brigada Eskwela" noong Agosto 1-26.
Nakatakda na sa Agosto 22 ang susunod na school year at matatapos ito sa Hulyo 7 sa susunod na taon.
Sa kautusan ng DepEd, maaaring ipairal ng mga pribado at pampublikong paaralan ang pagsasagawa ng distance at blended learning hanggang Oktubre 31, 2022.
Simula Nobyembre 2, magpapatupad ng limang araw na in-person classes kada linggo anuman ang Covid-19 alert level status sa kanilang lugar.
Paliwanag naman ni Basas, tinalakay na nila kay Duterte-Carpio ang usapin sa isang virtual meeting nitong Martes.
"Sabi niya, as of now, ito na talaga, tuloy tayo sa August 22. Pero, hindi naman siya nagsara (ng usapin).Hindi naman kami nawawalan ng pag-asa, lalo na that's the first time na directlynakausapnatin 'yung ating Vice President and Secretary," dagdag nito.
Aabot na sa 13 milyon ang naka-enroll para saSchool Year 2022-2023.