Present si Megastar Sharon Cuneta sa world premiere ng inaabangan na ngayong pelikula ng sikat na Filipino-American comedian na si Jo Koy.

Elegante sa kaniyang black jacket at jumpsuit si Mega sa kaniyang pagrampa sa premiere ng “Easter Sunday.”

All-smile din si Mega suot ang makikinang na mga alahas.

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Sa TCL Chinese Theatres sa Hollywood Blvd, California ginanap ang premiere event ng pelikula.

Sa darating na Agosto 5 na mapapanuod ang “Easter Sunday” sa mga sinehan sa buong mundo.

Tema ng pelikula ang kultura at pamilyang Pilipino na kadalasa'y laman sa estilo ng komedya ni Jo Koy.