Nagbabala si Senador Raffy Tulfo sa mga politiko na may kinalaman umano sa mga malawakang brownout sa mga lalawigan at maging sa mataas na presyo ng kuryente.Â
“Nalaman ko ang problema ng mga consumers, lalo na ang mga mahihirap, sa pamamagitan ng aking show na ‘Wanted sa Radyo.’ Kaya ngayong nandito na ako sa Senado, sisiguraduhin kong maaksyunan ko agad mga kinakaharap na problema ng taumbayan, lalo na ang madalas na brownout sa mga probinsya, kabilang na diyan ang Palawan, Bataan at Davao,†ayon kay Tulfo
“Maniningil din ako. Una, kung kailangan ipatawag, ay ipapatawag natin ang mga politikong kapitalista na maaaring kasosyo o direktor ng electric cooperatives na dahilan ng madalas na brownout sa mga probinsya,†dagdag niya
“Kaibigan ko man sila o hindi, maniningil ako, dahil iyan ang pangako ko sa mga Pilipinong bumoto sa akin: Kapag ako ay naging Senador na, lahat ng nilapit nila sa akin na problema ay madidinig sa Senado. Magsasagawa ako ng mga pagdinig sa Senado sa lalong madaling panahon. Dapat aksyon agad,â€Â sambit pa nito
Upang maayos na matugunan ang iba pang isyu na may kinalaman sa enerhiya, sinabi ni Tulfo na handa siyang magtakda ng mga pagpupulong upang marinig ang mga panukala ng mga eksperto at stakeholders.
Aniya araw-araw ay may mga kababayan tayong nagdurusa dahil sa problema sa enerhiya.
Ilan sa mga priority bills sa Komite ng Enerhiya ngayong 19th Congress ay ang Senate Bill (SB) No. 358 o tinatawag ding “Recoverable System Loss Act,†SB No. 151 o ang “Waste to Energy Act†at SB No. 156 o ang “Energy Advocate Act.â€Â