Magiging hepe na ng Food and Drug Administration (FDA) si Dr. Samuel Zacate, ang naging personal doctor ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Miyerkules.
Sa isang pulong balitaan nitong Miyerkules, agad na kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang pagkakatalaga ni Zacate bilang director-general ng FDA.
"He is qualified plus he has several distinctions so we are not sure if his being a personal physician factored into this considering he ticks all the boxes, meaning lahat ng requirements bilang FDA [chief] he fulfilled," sabi ni Cruz-Angeles.
Hahawakan ni Zacate ang dating puwesto nideputy director general Oscar Gutierrez bilang officer-in-charge ng FDA.
Matatandaang naging lead physician ni Marcos si Zacate matapos itong mahawaan ng virus nitong Hulyo.