Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) na magtayo ng mga bagong paliparan sa may apat na lalawigan sa southern Philippines.

Sa Laging handa press briefing nitong Miyerkules, sinabi ni Transportation Undersecretary for Planning and Project Development Timothy John Batan na ang mga bagong paliparan ay planong ipatayo sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate at Bukidnon.

“Pinag-aaralan ang pagtatayo ng mga bagong paliparan sa Zamboanga, Dumaguete, Masbate, at Bukidnon,” aniya pa.

Bukod dito, pinag-aaralan na rin nila ang pagtatayo ng mga bagong airport sa iba pang lalawigan at mga bayan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Magpopokus rin aniya sila sa konstruksiyon ng New Manila International Airport sa Bulacan at sa panukala ng Cavite provincial government na i-develop pa ang Sangley Airport bilang isang international gateway.

Ani Batan, ang objective nila dito ay magkaroon ng mas ligtas at mas malawak pa ang maabot ng mga paliparan upang makapag-accommodate ng mas maraming biyahe at mga pasahero.

Idinagdag rin niya na paghuhusayin pa ng DOTr ang passenger experience sa mga kasalukuyang paliparan sa bansa, gamit ang makabagong teknolohiya gaya ng biometrics at self check-in kiosks.