Inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) nitong Miyerkules, Agosto 3, ang "Libreng Sakay" program upang tulungan ang mga commuter sa Maynila at mga pangunahing lungsod sa Visayas at Mindanao. Layunin din nitong i-decongest ang mga kalsada tuwing peak hours.

Naglaan ang OVP ng limang bus at sabay-sabay itong inilunsad-- dalawa sa Metro Manila, isa sa Davao City, isa sa Cebu, at isa rin Bacolod. Ang nasabing programa ay tinawag nilang "Peak Hours Augmentation Bus Service."

Ang dalawang bus na ipapakalat sa Maynila ay bibiyahe mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) hanggang Monumento mula 4 a.m. hanggang 10 a.m. at mula 4 p.m. hanggang 10 p.m.

"We hope that through this program, we will be able to provide relief to some of our fellow Filipinos who rely on public transport for their daily commute to work, to school, and to many other places,” saad ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang talumpati.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga nasabing bus ay ipinahiram kay Duterte ng private sector noong panahon ng kampanya. Kaya't napagpasyahan nito na gamitin ang mga bus sa para suportahan ang "Libreng Sakay" ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay Atty. Reynold Munsayac, spokesperson ng bise presidente, na sagot ng OVP ang gasolina, repair at maintenance ng sasakyan.

“Basically ang sagot ng OVP dito ay gasolina, ‘yung repair, at maintenance ng sasakyan. Buti na lang ‘yung gastos sa driver at sa konduktor ay sinagot din ng mga nagpahiram sa 'tin ng bus,” aniya.

“Ito ho, wala namang obligasyon ang LTFRB o DOTr na bayaran kasi kung baga, ‘yung pagpapahiram ng Office of the Vice President na ito na ipinahiram din sa 'min ay wala ring kakargahin dito ‘yung gobyerno,” dagdag pa niya.