Pinuri ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) dahil sa pagiging malikhain nito at pagbuo ng mga pamamaraan at istratehiya na nakatutulong sa mga business owners  sa lungsod.

Sa kanyang maikling talumpati sa flag raising ceremony noong Lunes, pinuri ni Lacuna si BPLO chief Levi Facundo at ang kanyang tanggapan sa maraming programa at proyekto na inilunsad sa loob ng nakalipas na dalawang taon at ito ay sa kasagsagan ng pandemya. 

Hinimok rin niya ito na ipagpatuloy ang ginagawa upang makahikayat pa ng mga investor sa Maynila.

“Ibig lang sabihin, naging innovative at creative at hindi sila tumigil sa mandato ng tanggapan,” ayon kay Lacuna.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

"Totoo, maraming natulungan ang BPLO lalo na maliliit na negosyante. Patuloy tayong tutulong at gaya nga ng laging sinasabi ni dating Mayor Isko, lahat dito ay pantay-pantay, walang mayaman, middle class o mahirap,” sabi ni Lacuna. 

“Sana ay makaisip pa kayo ng ibang paraan para matulungan and ating mga kababayan,” ayon pa sa alkalde na tinutukoy si Facundo.

Samantala ay pinangunahan  ni Lacuna ang lahat ng naroroon na mag-alay ng panalangin sa yumaong Pangulo ng Pilipinas na si Fidel V. Ramos.

Sa kabila ng Lungsod ng Maynila ay nagpaabot si Lacuna  ng pakikiramay sa yumaong Pangulo.