Nagtalaga na si Ferdinand Marcos, Jr. ng acting chairman ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, si Carlo Dimayuga ang tatayong acting chief ng MMDA na kapalit ni Romando Artes.

Nilagdaan ni Marcosang appointment ni Dimayuga nitong Lunes, Agosto 1.

Naiulat na nanumpa na si Dimayuga kay Executive Secretary Victor Rodriguez.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Bukod dito, itinalaga rin ni Marcos si retired Police Brig. Roman Felix bilang Secretary ng Office of the Presidential Adviser on Military Affairs (OPAMA).

Si Felix ay hepe ng Ilocos Norte Police Provincial Office, dating naging Police Regional Office 2 director at nagtapos din ito sa Philippine Military Academy Class of 1983.