Isang mapalad na mananaya mula sa Bulacan ang nagwagi ng mahigit na₱15.8 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa paabiso ng PCSO nitong Miyerkules, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky bettor ang six-digit winning combination na 28-45-09-12-21-19 kaya’t napanalunan nito ang katumbas na jackpot prize na₱15,840,000.00.

Ayon sa PCSO, nabili ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa Balagtas, Bulacan.

Upang makubra naman ang kanyang napanalunan, kinakailangan lamang ng masuwerteng mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang valid IDs.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Muli ring hinikayat ng PCSO publiko na tangkilikin ang kanilang mga palaro, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong maging milyonaryo, ay makatulong pa sa mga taong nangangailangan.

Ang Super Lotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.