Ipinahayag ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang kaniyang pagkondena sa umano'y paninira laban sa Carmelite sisters of Cebu, na lumutang matapos lumabas ang panibagong teaser ng "Maid in Malacañang" kung saan makikita ang eksenang naglalaro ang mga ito ng mahjong kalaro ang karakter na ginampanan ni Giselle Sanchez, na inilarawan niya bilang "most controversial role" sa pelikula.
"I stand with the Carmelite nuns of Cebu. And I condemn any malicious attempt to malign them," ani Garcia.
Nag-trending ang pangalan ng direktor ng MIM sa Twitter dahil umano sa ginawa niyang "pang-iinsulto" sa mga madre.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/insulto-sa-mga-madre-darryl-yap-trending-sa-twitter-dahil-sa-bagong-teaser-ng-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/08/02/insulto-sa-mga-madre-darryl-yap-trending-sa-twitter-dahil-sa-bagong-teaser-ng-maid-in-malacanang/
Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang Carmelite Monastery sa Cebu City kaugnay ng isyung ito.
"Well-meaning friends have brought to our attention pictures, supposedly coming from the film Maid in Malacañang, which are now trending on social media. The pictures depict the late Cory Aquino together with some religious sisters. The nuns are not wearing our brown religious habit. But if these pictures are portraying the events of February 1986, then the allusion to the Carmelite Order in Cebu is too obvious for anyone not to see," ayon kay Sister Mary Melanie Costillas, prioress ng Carmelite Monastery sa Mabolo, Cebu.
Dagdag pa niya, wala umanong taga-produksyon ng pelikula ang nakipag-ugnayan sa kanila upang konsultahin sila tungkol dito.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/carmelite-monastery-sa-mim-this-unity-can-only-be-built-on-truth-and-not-on-historical-distortion/">https://balita.net.ph/2022/08/02/carmelite-monastery-sa-mim-this-unity-can-only-be-built-on-truth-and-not-on-historical-distortion/
Sumagot naman si Yap at sinabing wala aniyang masama sa paglalaro ng mahjong.
"Tungkol po sa point ni Monsignor [Joseph] Tan at ng Carmelite Nuns, na hindi ko po sila kinunsulta sa eksena-- hindi ko po kasi naisip na kailangan," pahayag ni Yap.
"Gaya po ng sinabi nila, hindi naman po naka-brown, at walang binanggit na 'Huy mga Carmelite Sisters, Ano na?!'" dagdag pa niya.
Dagdag pa ni Yap, kung kokonsulta siya sa paggawa niya ng pelikula, mas gugustuhin pa raw niyang kumonsulta kay "Valak," isang demonyong madre sa horror movie na "The Conjuring 2."
"Pero kung talagang dapat po ikinunsulta ko ang paggawa ko ng pelikula, hihingi ako ng advise kay Valak kung paano, kailan, at kanino siya kumunsulta."
Inimbitahan pa niya ang Carmelite sisters na manood ng pelikula sa mga sinehan, na showing na ngayong Agosto 3.
"I would like to invite our Sisters to watch the film; if they are ostentatious about details, I don’t think there is a need for this 'ouch' and 'involvement.' Nung pinaalis ng bansa ang Pamilya Marcos, Wala po si President Cory sa isang Monasteryo," sey niya.
Iginiit din ng direktor na wala naman siyang nakikitang masama sa paglalaro ng mahjong.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/02/darryl-yap-sa-carmelite-nuns-wala-pong-masama-sa-mahjong/">https://balita.net.ph/2022/08/02/darryl-yap-sa-carmelite-nuns-wala-pong-masama-sa-mahjong/
Si Cebu Gov. Gwen Garcia ay tagasuporta ng BBM-Sara tandem noong nagdaang halalan.