Isinusulong ngayon sa Maasin, Iloilo ang paggamit ng katutubong bayong bilang alternatibo sa single-use plastic na tampok din sa programang "Balik-Alat" bilang bahagi rin ng pagbuhay sa industriya ng kawayan sa naturang bayan.
“The main purpose of the 'Balik-Alat' program is to regulate the use of single-use plastics in markets and commercial establishments in Maasin. Instead, we are encouraging Maasinanons to go back to our use of eco-bags or native baskets, popularly known to us as 'alat',” pahayag ni Maasin Municipal Environment and NaturalResources officer Noemie Marie Magullado.
Ang "Alat" ay isang bayong na gawa sa kawayan na sagana ngayon sa naturang lugar dahil na rin sa isinusulong na "Balik-Alat" program alinsunod na rin saMunicipal Ordinance No. 2021-003.
“Another main purpose is for us to promote Maasin as the bamboo capital of Panay, bamboo being our raw material for the native basket,” ayon kay Magullado.
Binanggit din ni Magullado na kinukumbinsina nila ang mga residente na gumamit ngrecyclable o biodegradable materials upang mabawasan ang paggamit ng plastic.
Ang programa ay pinakikinabangan ng mga magsasakang miyembro ngMaasin Kawayan Multipurpose Cooperative and the Katilingban sang mga Pumuluyo nga Nagaatipan sa Watershed (KAPAWA) na nangangalaga sa watershed area upang maprteksyunan ang mga tanim na kawayan sa lugar.
Ang nasabing grupo ay inoobligang gumawa ng mga bayong na kawayan na ibinebenta naman sa public market sa naturang bayan.
PNA