Isa sa mga dumalo sa katatapos na GMA Thanksgiving Gala Night noong Hulyo 30 si Kapuso actress Andrea Torres, suot ang kaniyang crystal-embellished Light Shine White gown, na binagayan naman ng kaniyang itim na gloves at cape.

Ngunit ang napansin sa kaniya ng mga netizen ay ang hawak niyang puting Darla clutch bag mula sa Lady Bag Manila at pinagmulan ng funny meme, dahil naihambing ito ng mga netizen sa "styrofoam" na kadalasang pinaglalagyan ng mga pagkain.

Biro tuloy ng mga netizen, mukhang magte-take out ng pagkain si Andrea mula sa mga inihandang pagkain ng naturang event. Nabanggit pa si Megastar Sharon Cuneta, o magsha-Sharon… na ang ibig sabihin ay "Mag-uuwi o magbabalot ng fudang" o food. Mula naman ito sa pamosong lyrics ng awiting "Bituing Walang Ningning" (BALUTIN mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal…)

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) si Andrea noong mismong event at natanong siya kung ano-ano naman daw ang laman ng clutch bag niya.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Syempre, ang laman nito ay "girl thing" kagaya ng powder, lipstick, at breath spray para always fresh ang hininga.

Sa TikTok video ng PEP, inulan ng nakatutuwang komento ang clutch bag ni Andrea at pabiro siyang sinabihang magte-take out daw ng pagkain.

Sa mga Pilipino, tila naging tradisyon na ng ilan ang pag-uuwi ng pagkain lalo't maraming natira at close naman kayo ng may pahanda.

Nakarating kay Andrea ang tungkol sa meme at hindi naman daw ito na-offend, saad pa ng PEP.

"Well, sabi ko nga.. I won’t show you everything inside my bag [emoji] Hahaha!" natatawang sey daw ni Andrea sa short chat ng mga taga-PEP sa kaniya.