Camp Dangwa, Benguet -- Umabot na sa 50 miyembro ng Communist Terrorist Group ang nagbalik loob sa pamahalaan. Ang pinakahuling naidagdag ay ang isang 30-anyos na lalaki mula sa lalawigan ng Abra na boluntaryong sumuko sa Police Regional Office-Cordillera, La Trinidad, Benguet, noong Agosto 1.

Sinabi ni BGen. Ronald Oliver Lee, regional director, na kusang loob na sumuko ang rebelde na si alyar "Ka Berto" matapos ang serye ng negosasyon na sinimulan ng magkasanib na operatiba ng PROCOR at AFP sa tulong ng mga opisyal ng barangay at kanyang pamilya.

Boluntaryong din isinuko si Ka Berto ang kanyang baril na Cal .45 pistol na may pitong live bullets.

Ang dating CTG ay dating miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla (KLG) North Abra na kumikilos sa mga lalawigan ng Abra at Apayao.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Agad naming binigyan ng financial assistance ni Lee ang dating rebelde na ngayon ay nasa kustodiya ng PROCOR Regional Intelligence Division (RID) para sa kaukulang dokumentasyon at sumasailalim na sa debriefing.

Sa kabuuang bilang mula Enero hanggang Agosto 1 ay 10 rebelde ang sumuko mula sa Abra; 20 sa Apayao; 9 sa Mt.Province; 8 sa Benguet at tig-isa sa Ifugao, Kalinga at Baguio City.

May kabuuang pitong rebelde ang naaresto, dalawa ang nadakip at isa ang napatay sa engkwentro, samantalang 19 firearms ang narekober.

Noong 2021 ay may 227 rebelde ang sumuko, isa ang nadakip, lima ang napatay at 81 firearms ang narekober.