Matapos tamaan ng malakas na lindol ang northern Luzon kamakailan, niyanig naman ng 5.6-magnitude na lindol ang Mindanao nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang pagyanig sa layong 51 kilometro sa timog silangan ng Manay, Davao Oriental dakong 3:19 ng madaling araw.

Nasa 20 kilometro ang nilikhang lalim ng pagyanig, ayon sa Phivolcs.

Ang nasabing lindol ay dulot ng tectonic o paggalaw ng aktibong fault line malapit sa lugar na sentro ng pagyanig.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang "moderately strong" na Intensity V sa Manay, Tarragona, at

Caraga sa Davao Oriental.

Naitala naman ang Intensity III sa Mati City at Baganga sa Davao Oriental at Intensity 1 naman sa Nabunturan sa Davao de Oro, Malungon sa Sarangani at Davao City.

Matatandaang tinamaan ng malakas na lindol ang 7.0-magnitude na lindol ang Abra at iba pang bahagi ng northern Luzon nitong Hulyo 27 na nagdulot ng matinding pinsala at ikinamatay ng 10 katao.

Ellalyn De Vera-Ruiz