Nakarating na sa kaalaman ng lokal na pamahalaan ng Panglao, Bohol ang viral post ng isang netizen na nagngangalang "Vilma Uy" matapos nitong ibahagi sa social media ang nakalululang bill nila sa mga ipinaluto nilang seafood sa isang resort, habang nakabakasyon sa Virgin Islands.
Sa naturang viral Facebook post ni Uy, nabigla siya nang umabot sa ₱26,100 ang kabuuang presyo ng kanilang nilantakang
seafood para sa kanilang pananghalian, bilang mga turista.
Ang may pinakamahal na presyo ay ang oyster, isdang kilaw, at scallops na nagkakahalagang ₱3,000. Umalma at tumawad pa umano sila sa presyo subalit kalaunan ay nagbayad din. Hindi naman nila nasabi kung hindi ba muna nila natanong ang mga nagtitinda kung magkano ang presyo ng bawat order.
Kinuwestyon din ng mga netizen kung bakit sa ordinaryong papel lamang inilista ang kanilang bill.
Iniatas naman ni Bohol Governor Aris Aumentado na imbestigahan ang ulat ng umano’y overpricing na ito. Ayon sa kaniyang Facebook post ng gobernador, magpupulong ang mgalokal na opisyal ng Panglao at mga may-ari ng mga resorts kaugnay sa kontrobersya.
“We have ordered the SP (Sangguniang Panlalawigan) to investigate the events. And we are grateful to social media because it has given us a solid reason for the Sanggunian Panlalawigan to craft resolutions or ordinances that can provide protection and order to tourists that have been exploited for a long time by some businessmen in Panglao and other cities,” ani Aumentado.
“We will fix this. Thank you!"