Inendorso umano ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang award-winning musical movie na "Katips", ayon sa isa sa mga cast member nito at nagwaging Best Supporting Actor sa 70th Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS na si Johnrey Rivas.

Ibinahagi ni Rivas ang post sa opisyal na Facebook page ng "Philippine Stagers" kung saan nag-courtesy call ang cast members ng Katips, sa pangunguna ng award-winning director at writer nitong si Direk Vince Tañada.

"Thank you Mayor Joy Belmonte for your love and support. #KATIPS was shot in QC and most of our cast members are QC Residents as well. #KatipsTheMovie will be shown in all cinemas starting August 3, 2022," saad sa caption.

"JUST IN: Mayor Joy Belmonte Endorses #KATIPS! in August 3! 🇵🇭 #HindiPersonaNonGrata," saad naman sa caption ng Facebook post ni Rivas.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Matatandaang nag-courtesy call din ang direktor ng "Maid in Malacañang" na si Darryl Yap kay QC Mayor Joy, para ipagpaalam ang premiere night ng MIM sa SM North EDSA, na ginanap noong Hulyo 29.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/26/darryl-yap-nag-courtesy-call-kay-qc-mayor-joy-belmonte/">https://balita.net.ph/2022/07/26/darryl-yap-nag-courtesy-call-kay-qc-mayor-joy-belmonte/

Ito ay sa kabila ng pagiging "persona non grata" ni Yap, dahil sa resolusyon ng dating Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman, dahil umano sa pambabastos at paglapastangan sa Quezon City triangular seal sa campaign material na "Hon. Ligaya Del Monte" para kay Quezon City mayoral candidate Mike Defensor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/qc-councilor-ivy-lagman-nagpaliwanag-sa-persona-non-grata-status-nina-ai-ai-darryl-direktor-may-tugon/">https://balita.net.ph/2022/06/08/qc-councilor-ivy-lagman-nagpaliwanag-sa-persona-non-grata-status-nina-ai-ai-darryl-direktor-may-tugon/

Samantala, bukas na ang tapatan sa mga sinehan ng dalawang pelikulang babalik sa panahon ng Batas Militar sa bansa, at maituturing na pinaka-kontrobersiyal na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/