Sinimulan na ng Department of Health (DOH) sa Ilocos Region ang workplace vaccination sa ilalim ng kanilang 'PinasLakas' booster vaccination campaign.

Nabatid na pinangunahan ni DOH-Ilocos Assistant Regional Dir.  Helen Tobias kahapon ang  ceremonial vaccination ng mga empleyado ng Bangko Sentral ng Pilipinas-La Union Regional Office, kasama ang kanilang pamilya, bilang pagsisimula ng kanilang workplace immunization. 

“Workplace vaccination has its own benefits both to employers and employees. First it is cost effective as it decreases time missed from work to get vaccinated and also reduces absences due to illness. It also improves morale because if the workplace is 100% vaccinated, everyone can feel safe and secure from the Covid virus,” ani Dr. Tobias.

“This is one of the strategies that we will be doing, ilalapit po naming sa lahat ng nasa target list ang Covid vaccine upang lahat mabakunahan at walang maiiwanan. Kailangan po nating magpabakuna ng booster shots upang lumakas ang panlaban natin sa virus at mapangalagaan ang ating kalusugan. The end goal is to protect employees, customers, and other stakeholders," aniya pa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ani Tobias, ang regional office kasama ang iba't ibang local government units (LGUs) ay committed para maabot ang mga targets vaccine recipients at lahat ng paraan ay gagamitin nila upang maging accessible ang bakuna para sa lahat.

Tiniyak rin niya na ang lahat ng public at private offices  sa lahat ng lalawigan sa rehiyon, ay bibisitahin nila sa ilalim ng kanilang workplace vaccination activity. 

“Vax posts will be established in markets, schools, terminals, communities and places where people frequent including house-house visits, especially to seniors who are not able to go to vax centers," ani Tobias.

Batay sa datos, hanggang Agosto 1, 2022 ay umaabot na sa kabuuang 8,332,018 doses ng bakuna ang nai-administer sa rehiyon.

Ang fully-vaccinated individuals naman ay nasa 3,759,101 habang ang mayroon nang isang dose ng bakuna ay nasa 3,999,767 naman.

Nasa 159,849 naman na ang mga senior citizens na nakatanggap na ng kanilang first booster dose.

Ang mga kabilang naman sa 12 taong gulang pataas na age group na may first booster dose na ay nasa 934,304 na.

Ang mga nakatanggap naman ng  second booster dose ay umabot na rin sa 70,676.

Patuloy namang hinihikayat ni Tobias ang lahat na mag-avail na ng COVID booster shots. 

“Hindi lamang ang inyong sarili ang binibigyan nyo ng proteksyon kundi pati na ang inyong pamilya. Kaya’t tayo ng magpabakuna. Sa PinasLakas lahat tayo ay protektado!” aniya.