Ipinaliwanag ng award-winning director-writer na si Atty. Vince Tañada na nakabatay sa katotohanan at karanasan ng mga karaniwang mamamayang Pilipino noong panahon ng Batas Militar sa Pilipinas ang ipakikita at ilalarawan ng kaniyang award-winning musical movie na "Katips: Ang mga Bagong Katipunero" na makakalaban naman ng "Maid in Malacañang" tampok naman ang mga pangyayari sa pamilya Marcos, 72 oras bago maganap ang makasaysayang EDSA People Power Revolution.

"Ang dapat abangan ng tao sa ‘Katips’ yung totoo,” aniya sa isang panayam noong Hulyo 27, 2022.

Iginiit ng direktor na hindi ito pelikulang anti-Marcos o pro-Aquino.

"Yung ‘Maid in Malacañang’, story ng mga Marcoses tapos narinig na rin natin yung story ng mga Aquino. And hindi natin naririnig yung tao sa gitna ng awayan ng dalawang pamilya na ito."

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"This is not an anti-Marcos movie. This is not a pro-Aquino movie."

"This is about the experience of ordinary Filipinos na nabuhay sa panahon ng Martial Law. May positibo, may negatibo, dapat natin alamin at dapat nating mapanood.”

Matatandaang hayagang sinabi ni Direk Vince na lalabanan niya ang MIM ni Darryl Yap at Viva Films.

"Nilabanan ko talaga yung Maid in Malacañang," saad ni Tañada sa isinagawang press conference. China-challenge ako… china-challenge tao ng Maid in Malacañang, kaya nag-react nang ganoon si Direk Joel (Lamangan). Sabi ni Direk Joel, gagawa siya ng mga pelikula, eh ito nagawa na namin."

Noong 2021 pa pala nagawa ang pelikulang "Katips" na kasama sa mga nominado sa prestihiyosong FAMAS. Ngayon na raw ang oras upang ipalabas na ito sa mga sinehan.

"Sabi ko, now is the time… kasi this is about the truth… and nobody can invalidate me, my personal experience as a victim of Martial Law.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/

Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula umano sa mga tagasuporta ng pamilya Marcos ang kaniyang mga naging pahayag.

"Ang daming bashers kung na-experience ko raw ang Martial Law when I was born in 1974, eh di sanggol daw ako noong nakulong. Hindi lang naman po dapat makulong para ma-experience mo ang horrors of ML. I was a child when my grandfather was incarcerated."

"Masakit po bilang bata ang maranasan ito lalo't alam mong nakipaglaban lang si Senador Lorenzo Tañada para sa katotohanan. Paki-research na lang po ang buhay n'ya. #KATIPS," ayon sa award-winning director-writer.

Pitong parangal mula sa katatapos na awards night ng prestihiyosong Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS, ang nabitbit pauwi ng pelikula.

Bago pa man ang FAMAS, nakatanggap na rin ng mga parangal ang naturang musical film na patungkol sa mga biktima ng Batas Militar noong dekada '70.

Best Director at Best Actor mismo si Tañada. Katips naman ang Best Picture at nakakuha ng Best Musical Score, Best Cinematography, at Best Original Song (Sa Gitna ng Gulo). Best Supporting Actor naman si Johnrey Rivas na aktor sa entablado ng Philippine Stagers.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/">https://balita.net.ph/2022/07/31/pelikulang-katips-hakot-awards-sa-famas-iba-pang-nagwagi-alamin/

Mapapanood ang Katips sa mga sinehan bukas, Agosto 2.