Ibinida ng Filipino-American model, TED speaker, director, at transgender advocate na si Geena Rocero na siya ang kauna-unahang transgender na maitatampok sa American's men lifestyle and entertainment magazine na "Playboy".

Makikita sa kaniyang Facebook post kahapon ng Lunes, Agosto 1, ang pasilip niya sa teaser ng kanilang shoot sa isang jungle beach sa bansang Costa Rica.

"August Playmate. Making History as the First trans API Playboy Playmate… Shot in the Jungle beach in Costa Rica… Shoot all shot on 35mm Film and Super 8," aniya.

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita

Bukod dito, masaya ring ibinahagi ni Rocero ang tagumpay ng kaniyang directorial debut para sa "Caretakers" na tumatakalay sa mga Filipino frontline workers. Aniya, nominado ito para sa prestihiyosong Emmy/Television Academy Awards.

"Directing four episodes of our series #Caretakers and showing Filipino American frontline workers in all our nuances has been the greatest honor! These EMMY NOMINATIONS, I dedicate to you all, Maraming Salamat!"

"Thank you to my fabulous DP @patrickryanmorris , my co-director and producing partner since I started producing in 2015 Jon Mallow. To my Filipina sis @sheenaalexis our line producer," pagpapasalamat ni Rocero.

Sa isang Facebook Live, pinasalamatan ni Rocero ang mga bumubuo ng Emmy Awards para sa kaniyang nominasyon, kahit na ito ang unang beses niyang sabak sa pagiging direktor.

Congrats, Direk Geena!