Nilinaw ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Martes na ang deteksiyon ng monkeypox sa bansa ay hindi dapat na maging dahilan nang pagkaantala o hindi pagkatuloy nang pagbubukas ng klase sa Agosto 22.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Vergeire na mayroon na silang mga binuong safeguards para masiguro ang kaligtasan ng mga batang nakatakda nang bumalik sa face-to-face classes sa Nobyembre 2.
Ayon kay Vergeire, katuwang ang Department of Education (DepEd), pinaigting rin nila ang health screening sa mga estudyante at mga guro.
Hindi na rin aniya dapat pang pumasok pa sa eskwela kung may nararamdaman nang sintomas ng sakit.
Ani Vergeire, “Ang isa sa pinaka-importante, we will be working with the Department of Education on this, would be the screening of children and teachers when they go to school.”
Dagdag pa niya, “Walang papasok dapat sa eskwela na may mga sintomas o ‘di kaya kung meron nang mga lesions, makita na natin agad.”
Matatandaang noong Biyernes, kinumpirma na ng DOH na natukoy na nila ang unang kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Ito ay isang 31-anyos na lalaki na dumating sa bansa noong Hulyo 19 at nagpositibo sa virus noong Hulyo 28.