Ibinahagi ng mom of three na si Judy Ann Santos ang unang araw sa eskwelahan ng bunsong si Luna mahigit dalawang taon mula noong pumutok ang pandemya.

Sa isang Instagram post, Martes, magkahalong pangamba at saya ang naramdaman ng celebrity mom para sa mga bata ngayon kabilang na ang anak na si Luna.

Sa loob kasi ng dalawa at kalahating taong online setup ay dadalo na ang kanilang bunso sa physical classes.

“First day of school for our little bunny.. first day for all of us after 2 1/2 years of online schooling … nakaka sepanx ng sobra!! 🥲 but.. im happy and excited for all the kids to be able to attend classes with a bit of normalcy.. thank you to all our hardworking teachers , for doing everything to make this happen,” mababasa sa Instagram post ni Juday.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

“Dear God, please bless, guide, protect and look over our children and teachers as we all move forward from this pandemic. ❤️🙏🏼🙏🏼”

All-out support naman ang buong pamilya para kay Luna sa first-day nito. Present sa paghatid sa chikiting ang mag-asawang Juday at Ryan Agoncillo kasama ang anak na si Lucho.

Taong 2020 nang mahigpit na isara ng gobyerno ang mga pampublikong aktibidad kabilang ang face-to-face classes laban sa mabilis na hawaan ng Covid-19.

Simula ngayong taon, unti-unti nang bumabalik sa normal ang pamumuhay sa bansa kasunod ng naging agresibong pagbabakuna sa kalakhang populasyon bilang proteksyon sa nakahahawang sakit.