BAGUIO CITY – May kabuuang 2,844 individual o 894 pamilya ang nananatili sa iba’t ibang evacuation center mula nang yanigin ng magnitude 7.0 na lindol ang anim na lalawigan at siyudad ng Baguio sa rehiyon ng Cordillera.

Sa ipinalabas na ulat ng Department of Health-Cordillera noong Agosto 1, sa nasabing bilang ay 674 pamilya o 2,009 indibidual sa lalawigan ng Abra, na epicenter ng lindol at patuloy na nakakaranas ng aftershocks ang nanatiling nasa evacuation center, dahil sa pagkasira ng kani-kanilang bahay.

Nasa iba’t ibang evacuaton center pa rin sa Kalinga ang 172 pamilya o 664 pamilya; 38 pamilya o 133 indibidual sa Mt.Province; 10 pamilya o 38 indibidual sa lalawigan ng Benguet.

Ayon sa DOH-Cordillera, patuloy na binabantayan ng mga health personnel ang mga nasa evacuation center sa rehiyon para masiguro na mapangalagaan ang kanilang kalusugan laban sa sakit, lalong-lalo na sa COVID-19.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Minomonitor din ng mga health officials ang 12,294 pamilya o 44,993 indibidwal mula sa outside evacuation center para mabigyan ng kaukulang gamot na kanilang kailangan para sa mga karaniwang sakit.

Tanging ang lalawigan ng Apayao,Ifugao at Baguio City ang hindi gaanong naapektuhan ng lindol at walang naiulat na nasa evacuation center.

Iniulat din na may 303 ang sugatan sa lindol sa Abra; 44 sa Mt.Province;22 sa Benguet; 16 sa Kalinga; 9 sa Baguio City at 6 sa Ifugao, samantalang may kabuuang siyam na katao ang nasawi.

Sa kabuuang 987 health facilities sa rehiyon, ay 923 ang functional na kinabibilangan ng government hospitals, 12; government infirmaries, 31;private hospitals, 12; regional health units, 89 at BHS, 779, samantalang 44 ang partially functional at 20 ang non-functional.