Napataas ang kilay ng mga netizen sa outfit ng isa sa mga hurado ng naganap na Binibining Pilipinas 2022 coronation night na si Cecilio Asuncion, founder at model director ng "Slay Model Management" na nakabase sa Los Angeles, California, USA.
Ang siste, pormal na pormal ang pang-itaas nitong barong Tagalog, pero ang pang-ibaba nito ay checkered na blue boxer's shorts; ang medyas naman niya ay mahabang itim at ang sapatos ay kulay-brown.
Siya ang huradong nagtanong kay Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol sa Q&A portion. In fairness naman, isinalin niya sa wikang Filipino ang tanong sa Ingles, at tinanong pa ang kandidata kung mas bet nitong sumagot sa pambansang wika.
Sey ng mga netizen sa comment section ng Manila Bulletin, ano naman daw ang pumasok sa isipan ni Asuncion para magsuot ng ganito? Bagong pauso? O statement tungkol sa work-from-home scheme na nauso sa panahon ng pandemya?
"Either sa sobrang pagmamadali at hindi na tuloy nakasuot ng pantalon si sir or nasanay sa work-from-home."
"What happened to the one in the middle? Seems like he forgot to wear it or he left his pants and he was running late for this pictorial. Or to just seek attention. Something is very wrong with this man."
"Epekto ng work-from-home hahaha."
"Maybe he wanted to make a fashion statement or a statement of his present state of mind brought about by the pandemic."
"Hahaha love that guy sporting the formal covid look! Also known as the Zoom formal."
"Face-to-face na po tayo sir…"
Samantala, sa kaniyang Facebook post ay ipinaliwanag ni Asuncion ang kaniyang pagsusuot ng boxer's shorts.
"Sa lahat na nagtatanong bakit ako naka-shorts, ito ay dahil pinili kong magsuot ng gawa ng Pinoy na designer na si Avel Bacudio na mula sa tela na galing sa Mindanao at ang bag ko naman ay gawa ni Zarah Juan," ani Asuncion.
"Sa mga bumabatikos sa pagpili ko ng suot ko, sana magsumikap kayo at balang araw, ma-invite rin kayo mag judge.
Love you, mean it!" sey pa niya sa bashers ng kaniyang suot.