Kinaaliwan ng netizens ang ngayo’y viral TikTok video ng eksenadorang boarding pass ng magkakaibigan na naka-imprinta sa tarpaulin.

Biyaheng Boracay ang magkakaibigan at unang beses na plane passengers nang gawing katuwaan ng isa sa kanila ang i-print sa agaw-eksenang tarpaulin ang boarding pass.

“Yung first time nyo lahat sasakay sa eroplano tapos ikaw nag volunteer magpa print, 👌😂” mababasa sa caption ng TikTok video ni rvnbahan.

Sa video, makikita pa ang gulat na gulat na reaksyon ng magkakaibigan nang iabot sa kanila ang agaw-eksenang tarpaulin.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Dahil sa hindi pangkariwang laki ng boarding pass, ilang mga byahero rin sa airport ang naaliw sa trip ng magkakaibigan.

Sa paliparan pa lang, laugh trip na at memorable na ang byahe ng magkakaibigan.

Isang airport personnel pa ang nag-alok na picturan ang magkakaibigan.

Agad na nag-viral ang video na ikinatuwa ng libu-libong netizens.

“Hahahaha napaka-memorable naman nito!” komento ng isang netizen.

“Hahaha grabe yong effort sa pa-print!”

“Kung first time mas maganda mas memorable!”

“Madaming budget! 😂😂😂😂”

“HAHAHAHAHA DI KUMPLETO YUNG SAYA KUNG WALANG TRIP AHAHHAAHAH😂😂”

“Kahit ilang beses ko ulit-ulitin LT talaga...HAHAHA”

“Ang saya!! Hahahahhaa”

“Ito ang tunay na magkakaibigan! Hahahhaa”

“I hope in the future with mah homies we will do this☝️”

“Diyos ko nakakaalis ng stress kaloka ang boarding pass nila!”

Tumabo na sa mahigit 2.7M views ang video sa pag-uulat.