Usap-usapan ngayon ang ilang minutong pagkabitin sa pag-anunsyo ng Binibining Pilipinas International 2022, sa katatapos lamang na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 sa Smart Araneta Coliseum, Hulyo 31.

Catriona Gray at Nicole Cordoves (Larawan mula sa Twitter)

Larawan mula kay Noel Pabalate

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Larawan mula kay Noel Pabalate

Kitang-kita ang saglit na pagtigil sa pag-anunsyo dahil nilapitan ang mga hosts na sina Catriona Gray at Nicole Cordoves ng ilang mga staff ng beauty pageant.

https://twitter.com/johann999/status/1553808099836051456

Tweet mula kay Johann/@johann999

Kaya naman trending sa Twitter ang pangalan ni Steve Harvey dahil mukhang may nangyaring mali sa pag-anunsyo ng mga nagwagi, kagaya ng nangyari sa Miss Universe 2015, kung saan ang tunay na nagwagi ay si Miss Universe Philippines Pia Alonzo Wurtzbach.

Maging ang mga nanonood na celebrity ay napakomento na rin kagaya ni Vice Ganda, na talaga namang nakatutok sa mga ganap. Panay pakawala ng tweets ang Unkabogable Star at nagbibigay ng updates.

"May very wrong! #BinibiningPilipinas," tweet ni Meme.

https://twitter.com/vicegandako/status/1553795241370877952

"Ano kayang meron sa kaguluhang iyon? Nawa’y walang nagkapalit ng korona. Oh well eklip nako. Congrats girls! #BinibiningPilipinas," pahabol pa ni Vice.

https://twitter.com/vicegandako/status/1553796050653429760

Maging si Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa ay napakomento rin.

"Kinabahan akizzzz akala ko Steve Harvey moment. Pero bulaga si Cebu but Cebu is a powerhouse so there you go. Congratulations to our new queens #BinibiningPilipinas2022," aniya.

https://twitter.com/MJ_Lastimosa/status/1553797711060615168

Kinlaro naman ni MJ na batay sa kaniyang pagtatanong-tanong, wala raw talagang pagkakamali sa announcement of winners.

"Walang cheka mga acclacoz according to the BPCI correct ang results. Nalito lang daw sa floor hence the pause. Osha sha tulog na mga maritess!!!! #BinibiningPilipinas2022," aniya.

https://twitter.com/MJ_Lastimosa/status/1553805137101041664

Samantala, wala pang pormal na pahayag ang pamunuan ng Binibining Pilipinas kaugnay ng isyung ito.