Intensyonal na binago ni Moira Dela Torre ang dating masayang kanta na “Ikaw at Ako” na sinulat at nirekord niya kasama ang dating asawang si Jason Marvin Hernandez noong 2019.
Sa isang live gig kamakailan, nakunan ng make-up artist na si Joel Sarimos si Moira sa isang pre-fiesta concert sa Dapitan City, Cebu.
Hindi nawala sa linya ng mga kanta ng singer ang 2019 hit song nila ni Jason na “Ikaw at Ako” na naging official soundtrack pa ng record-breaking na pelikula ni Cathy Garcia Molina na “Hello, Love, Goodbye” sa kauna-unahang pagtatambal ni Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Sa huling chorus, maririnig si Moira na sinasambit ang panibagong mga salita ng dating masayang kanta.
“At ngayon, wala ka na. Paano bibitawan iyong mga kamay? Paano na mag-isa? Sa hirap at ginhawa ay naiwanan na. Mula noon, hanggang ngayon. Mula ngayon, hanggang dulo, paalam sa’yo,” pag-awit ni Moira sa tila bagong version ng kanta kasunod ng pinag-usapang hiwalayan nila ng asawang si Jason noong mga nakaraang buwan.
Maririnig sa audience ang mga hiyawan at pag-aray bilang reaksyon mapanakit na mga salita ng singer.
Tila marami namang netizens ang nakarelate dahilan para tumabo na sa mahigit 200,000 views ang video sa Facebook sa pag-uulat.
Noong Mayo, inamin ni Jason sa publiko na hindi siya naging tapat kay Moira, kasunod ng anunsyo ng kanilang hiwalayan matapos ang tatlong taong pagsasama bilang mag-asawa.
“Though my love for her has always been genuine, a few months ago, I confessed to Moira that I have been unfaithful to her during our marriage. I believe that she deserved to know the truth rather than continue down a “peaceful” but dishonest path. I take full responsibility and I’m doing my best to be better.”