Agaw-pansin ang huradong si Cecilio Asuncion, founder at model director ng "Slay Model Management" na nakabase sa Los Angeles, California, USA, sa naganap na coronation night ng Binibining Pilipinas 2022 dahil sa pagsusuot niya ng boxer shorts sa event.

Pormal na pormal ang pang-itaas nitong barong Tagalog, pero ang pang-ibaba nito ay checkered na blue boxer shorts; ang medyas naman niya ay mahabang itim at ang sapatos ay kulay-brown.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/work-from-home-ang-peg-hurado-sa-binibining-pilipinas-dinogshow-ng-mga-netizen/">https://balita.net.ph/2022/08/01/work-from-home-ang-peg-hurado-sa-binibining-pilipinas-dinogshow-ng-mga-netizen/

Siya ang huradong nagtanong kay Bb. Pilipinas 1st runner-up Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol sa Q&A portion. In fairness naman, isinalin niya sa wikang Filipino ang tanong sa Ingles, at tinanong pa ang kandidata kung mas bet nitong sumagot sa pambansang wika.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

Sa English na tanong ni Asuncion na "Beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?", sasagutin na sana ito ni Herlene ngunit nagtanong si Asuncion kung nais nitong Tagalugin ang sagot, na sinang-ayunan naman ni Herlene habang nakangiti at nagpapasalamat. Dahil dito naghiyawan ang mga tao.

"Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sa'yo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?" muling pagbanggit ng huradong si Asuncion sa tanong na nakasalin na sa wikang Filipino.

Sagot naman ni Herlene, “Maraming salamat po. Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibini na hindi inaasahan, para sa akin, ang sarap pala mangarap. Walang imposible. Isa pong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon."

"Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission," singit ni Herlene bagama't ilang beses siyang nautal sa pagsambit nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-budol-walang-kiyemeng-gumamit-ng-wikang-filipino-sa-qa-portion/">https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-budol-walang-kiyemeng-gumamit-ng-wikang-filipino-sa-qa-portion/

Sey ng mga netizen sa comment section ng Manila Bulletin, ano naman daw ang pumasok sa isipan ni Asuncion para magsuot ng ganito? Bagong pauso? O statement tungkol sa work-from-home scheme na nauso sa panahon ng pandemya?

Sinagot niya ito sa pamamagitan ng kaniyang Facebook post pagkatapos ng coronation night, at pinuri din si Budol sa paggamit nito ng wikang Filipino.

Aniya, kahit na matagal na panahong nakatira siya sa Amerika ay diretso pa rin siyang managalog.

"It has been an amazing homecoming after 22 years, thank you to Binibining Pilipinas for having me as a judge! Tama ka Herlene, ang sarap mangarap at walang imposible!" aniya.

"Matuto tayong mahalin ang Tagalog. Parte ito ng kultura natin at dapat hindi ikahiya, at sa lahat na nagtatanong bakit ako naka shorts, ito ay dahil pinili kong magsuot ng gawa ng pinoy na designer na si Avel Bacudio na mula sa tela na galing sa Mindanao at ang bag ko naman ay gawa ni Zarah Juan. Mabuhay ka, Herlene Hipon Budol at sa lahat ng kasali sa taong ito."

May mensahe naman siya sa lahat ng bashers na 'nang-dog show" sa kaniya.

"I have lived in America for 22 years and derecho pa rin ako magtagalog dahil mahal ko ang bansa ko. Sa mga bumabatikos sa pagpili ko ng suot ko, sana magsumikap kayo at balang araw, ma-invite rin kayo mag judge."

"Love you, mean it!"