Buo ang dedikasyon ng Pinay weightlifting star na si Hidilyn Diaz at husband-coach na si Julius Naranjo para muling masungkit ang gintong medalya sa nalalapit na 2024 Paris Summer Olympics.

Apat na araw lang matapos ikasal, todo-ensayo na muli ang mag-asawa para sa target na panibagong Olympic gold medal para sa bansa.i

Sa isang Instagram post noong Sabado, Hulyo 30, ibinahagi ni Julius na balik-ensayo na muli si Hidilyn apat na araw lang matapos silang ikasal sa Baguio noong Hulyo 26.

“Back to our regularly scheduled programming. @hidilyndiaz wanted to enjoy her most important day of her life. But she never neglected her obligation to train,” mababasa sa caption ni Julius sa video kung saan makikitang nagbubuhat muli si Hidilyn.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Dagdag ng coach, pinagpasyahan nilang ipagpaliban muna ang kanilang honeymoon para sa buong paghahanda sa nalalapit na kompetisyon.

“We’ve both decided to push back the honeymoon because of the competition’s coming up, but we know the wait is worth it,” saad ni Julius.

Sa panayam kamakailan kay Karen Davila, kumpiyansang sinagot ni Hidilyn na handa siyang iwan ang rurok ng kaniyang karera para bumuo ng sariling pamilya.

Sa kasalukuyang disposisyon ngayon ng pambansang atleta, mas pipiliin niya ang pagsasama nila ni Julius kesa sa kaniyang maningning na karera.

“’Yung marriage [ang pipiliin ko]. Kasi nanalo na ako ng gold. Then, kung manalo sa Paris, good. Pero ‘yung marriage kasi kasa-kasama ko siya hanggang sa pagtanda. Mahirap maghanap ng ‘the one’ na makakaintindi sa’yo. Ito na ‘yung masasabi ko na, ‘Kailangan kong alagaan. Kailangan ko na bigyan ng halaga,’” siguradong sagot ni Hidilyn.

Gayunpaman, nauna na ring nilinaw Hidilyn na magpapatuloy ang kaniyang karera pagkatapos ng kaniyang kasal.

Target ngayon ng Pinay weightlifter ang gold medal sa 2024 Paris Summer Olympics, na aniya’y parehong challenging sa naging pagsabak niya sa 2020 Tokyo Summer Olympics.

“I have to move up ‘yung body weight syempre kailangan ko lumakas ng plus 20kg-30kg,” saad ni Hidilyn habang ipinuntong nasa 59 kg na ang target na kailangang mabuhat sa Paris Olympics kumpara sa 55 kg sa Tokyo Olympics.

Mukha mang imposible, sa tulong aniya ng Team HD [Hidilyn Diaz] at ng asawang si Julius, head coach ng atleta, kakayanin niyang muling masungkit ang panibagong gold medal.

Basahin: Hidilyn Diaz, handang iwan ang maningning na karera para bumuo ng sariling pamilya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid