Performance level ang ipinamalas ng Kapuso comedienne na si Herlene Nicole "Hipon Girl" Budol sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2022 na naganap sa Smart Araneta Coliseum, Hulyo 31. Sa katunayan pumasok siya sa top 12. Hanggang sa magtuloy-tuloy ang maganda niyang laban sa nasabing pageant.

Hiyawan ang mga tao nang i-announce na ang mga special awards ni Herlene. Pitong beses tinawag si Herlene sa awards na kaniyang napanalunan at ito ay ang Manila Bulletin's Readers' Choice Award, Binibining Shein, Binibining Pizza Hut, Binibining Kumu, JAG Queen, Binibining Silka at Binibining World Balance.

Sa question and answer portion naman ay pangalawang tinawag ang komedyante. Sa english na tanong ni Mr. Cecilio Asuncion na "Beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?"

Sasagutin na sana ito ni Herlene ngunit nagtanong si Mr. Cecilio kung nais nitong Tagalugin niya ang sagot, na sinang-ayunan naman ni Herlene habang nakangiti at nagpapasalamat. Dahil dito naghiyawan ang mga tao. Sagot naman ni Herlene, "Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong ako dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibining hindi inaasahan. Para sa akin, ang sarap pa lang mangarap. Walang imposible. Isa po akong komedyante na laki sa hirap at ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon because I know for myself that I'm uniquely beautiful with a mission."

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Yun nga lang sa last part ng sentence na kanyang sinagot ay paulit-ulit niyang inumpisahang sabihin hanggang sa makumpleto niya ito. Noon pa man sinabi ni Herlene na Tagalog ang kaniyang isasagot sa Q&A.

Sad to say nga lang dahil ang inaasahan ng karamihan, kasama ng kaniyang manager na si Wilbert Tolentino na makasungkit ng title si Herlene ay hindi ito nangyari. Dahil naka-1st runner-up si Herlene. Kita sa mukha niya ang lungkot nang tinawag ang kaniyang pangalan. Pero maganda na rin ang kaniyang nakuhang puwesto sa kagaya niyang first time sumali sa isang prestihiyosong beauty pageant gaya ng Binibining Pilipinas.

Ang tanong, paninindigan kaya ng manager ni Herlene na hindi na ito magiging repeater sa Binibining Pilipinas? Well, si Wilbert lang ang makakasagot niyan o kaya nanaisin naman kaya ni Herlene na gayahin si Miss Universe Philippines 2015 Pia Wurtzbach na ilang beses sumali makuha lang ang minimithing korona? Sample na rin si Gabrielle Basiano ng Borongan Eastern Samar na last year ay 1st runner-up ngayon ay wagi ng title.

Samantala, ang iba pang nanalo ay sina Nicole Borromeo of Cebu – Bb Pilipinas Intermational 2022, Gabrielle Basiano of Borongan Eastern Samar – Bb. Pilipinas Intercontinental 2022, Chelsea Fernandez of Tacloban City – Bb Pilipinas Globe 2022,

Roberta Tamondong of San Pablo City – Bb. Pilipinas Grand International 2022 at Stacey Gabriel of Cainta – 2nd runner-up 2022.

Sa mga naging hosts ng event naman mahusay ang ipinamalas ng beauty queen na si Samantha Bernardo at Edward Barber dahil cool na cool ang hosting job nila. Samantalang ang beauty queen na si Nicole Cordoves ay may mga moments na hindi siya relax sa pagho-host at halatang halata na laging nakatingin sa nag-iinstruct sa kanila. Parang kulang sa harmony sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang main hosts ng pageant.

Ang nakakaloka ay ang ilang minutong nakabitin ang show nang i-aannounce na nila ang Binibining Pilipinas International 2022. Kaya naman nagkakatinginan na lang ang mga candidates. Bakit kaya?

Sa mga guests ng show, panalo ang mga naging performance ng SB19 at ni Maymay Entrata.