Marami ang pumuri kay Kapuso comedienne Herlene Budol sa paggamit niya ng wikang Filipino sa Q&A portion ng katatapos na Binibining Pilipinas 2022 coronation night na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, nitong Linggo ng gabi, Hulyo 31.

Pitong special awards ang hinakot ni Budol at siya rin ang itinanghal na Binibining Pilipinas 2022 1st runner-up.

Sa kaniyang opening speech, wikang Filipino rin ang ginamit ni Budol.

Sa Q&A, pangalawang tinawag ang komedyante. Sa English na tanong ing isa sa mga huradong si Mr. Cecilio Asuncion na "Beauty pageant is a space for transformation. What has been your biggest transformation since you joined and how could this make you deserving of a crown tonight?", sasagutin na sana ito ni Herlene ngunit nagtanong si Asuncion kung nais nitong Tagalugin ang sagot, na sinang-ayunan naman ni Herlene habang nakangiti at nagpapasalamat. Dahil dito naghiyawan ang mga tao.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

"Ang beauty pageant ay isang lugar para sa transpormasyon. Anong transpormasyon na importante ang nangyari sa'yo habang nandito ka sa Binibining Pilipinas?" muling pagbanggit ng huradong si Asuncion sa tanong na nakasalin na sa wikang Filipino.

Sagot naman ni Herlene, “Maraming salamat po. Para sa akin, isang karangalan na nakatungtong dito sa Binibining Pilipinas bilang isang binibini na hindi inaasahan, para sa akin, ang sarap pala mangarap. Walang imposible. Isa pong komedyante na laki sa hirap. At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon."

"Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission," singit ni Herlene bagama't ilang beses siyang nautal sa pagsambit nito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-hipon-girl-budol-naghakot-ng-special-awards-sa-binibining-pilipinas-2022/">https://balita.net.ph/2022/08/01/herlene-hipon-girl-budol-naghakot-ng-special-awards-sa-binibining-pilipinas-2022/

Ayon naman kay Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, kapuri-puri ang ginawa ni Budol dahil baka ito na ang simula na mai-normalize sa mga beauty pageant kagaya ng Binibining Pilipinas ang pagsasalita ng wikang Filipino na ating pambansang wika, alinsunod sa Saligang-Batas.

"Ganyan nga Nicole Budol normalize using our language in Philippine beauty pageants, coz why not?!!!! #BinibiningPilipinas2022," ani MJ sa kaniyang tweet.

Bagay na sinang-ayunan naman ng mga netizen.

"I agree, on international pageants there are some candidates with interpreters and still answers amazingly so why can’t we also do that. Speaking and knowing English doesn’t instantly mean you’re smart. It’s how you answer the question."

"Si Budol lang naka-break ng record na inormalize ang sariling wika sa mga beauty pageant."

"No need. Mas ok na yung accepted yung Filipino at English language sa pagent since yun naman talaga yung official languages natin."

Binulungan daw niya si Hipon Girl na sana raw ay huwag susuko at lumaban ulit. Pero ang sagot daw ng komedyante, baka ito na raw ang first and last niya.

"Chinika ko si Budol Sabi ko proud ako sayo ang galing mong sumagot! Sumali ka pa ulit. Sagot nya: last ko na to ate. Aww why naman langga. #nicolebudol