Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na umaabot sa kabuuang 177 health facilities ang naapektuhan o napinsala ng magnitude 7.0 na lindol na tumama sa Abra noong Hulyo 27 at naramdaman din sa iba pang lalawigan sa northern Luzon, maging sa Metro Manila.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang mga naturang pasilidad ay binubuo ng mga pagamutan, rural health units, barangay health stations, at city at municipality health offices.

“Ang badly affected talaga ay ‘yung sa Abra, ‘yung ating Abra Provincial Hospital kung saan madali naman naming napuntahan ang area na ito at nakapag-set up po tayo dito ng mga tents at tayo ay nag-deploy ng mga equipment para sa ospital na ito,” ani Vergeire, sa panayam sa telebisyon.

Sinabi rin niya na isang Philippine Medical Emergency team na binubuo ng mga espesyalista mula sa iba’t ibang government hospitals ang tumutulong na sa nasabing pagamutan upang matiyak na tuluy-tuloy ang pagkakaloob nito ng serbisyong medikal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Tuloy-tuloy natin [silang] imo-monitor. We are going to go around these damaged facilities so that we can see how we can be able to assist para magawan na ng repairs at magamit na rin po. Although they are functional, but we need to restructure or we need to ensure na safe po ito para sa ating mga pasyente,” aniya pa.