Niyanig na naman ng lindol ang bahagi ng Abra nitong Lunes ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong 2:48 ng madaling araw nang maramdaman ang pagyanig tatlong kilometro ang layo mula sa Villaviciosa.

Umabot naman sa 22 kilometrong lalim ang nilikha ng lindol na nakaapekto rin sa mga karatig-lugar.

Naitala rin ng Phivolcs ang Intensity V sa Banta, Ilocos Sur, Intensity IV naman sa Bangued, Abra, at Intensity III sa Baguio City.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Inaasahan na ng Phivolcs ang dulot na pinsala at aftershocks ng pagyanig.

Matatandaang niyanig ng 7.0-magnitude na lindol ang Abra nitong Hulyo 27 na ikinapinsala ng mga bahay, gusali at iba pang imprastraktura sa rehiyon.

Aabot din sa 10 katao ang naiulat na nasawi sa nabanggit na malakas na pagyanig.