KALINGA - Muling naka-iskor ang magkasanib na puwersa ng Kalinga Provincial Police Office, Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Naval Forces Northern Luzon ng₱111.6 milyong halaga ng tanim na marijuana sa apat na araw na operasyon sa Tinglayan kamakailan.

Magkakahiwalay na sinalakay ng mga awtoridad ang tatlong marijuana plantation sites sa Barangay Tulgao West at 3 plantation sites sa Brgy. Loccong kung saan binunot ang kabuuang 558,000 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMP) na nagkakahalaga ng₱111,600,000.00.

Paliwanag ni Kalinga Provincial Police director, Col. Peter Tagtag, Jr., sa tatlong plantation sites sa Mt. Bittulayungan, Barangay Loccong ay binunot ng mga operatiba ang kabuuang 135 piraso ng FGMP mula sa pinagtaniman nitong 12,000 metro kuwadradoat nagkakahalaga ito ng₱24,000,000.

Sa tatlo pang taniman sa Sitio Balay, Brgy. Tulgao West ay nabunot naman ang kabuuang 438,000 na tani, na marijuana na nagkakahalaga ng₱87,600,000.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Habang sinusunog aniya ang mga marijuana nitong Hulyo 27 ng umaga, nakaramdam ng pagyanig ang tauhan nito. Kaagad na umalis ang grupomatapos sunugin ang mga tanim na marijuana.

Walang naaresto sa ikinasang anti-drug operations, ayon pa sa pulisya.