“Tibay talaga ni Enrile!” sey ng netizen
Trending topic ngayon sa Twitter ang Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile ilang minuto matapos maiulat na pumanaw na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.
Pumanaw si dating Pangulong Ramos ngayong Linggo, Hulyo 31, sa edad na 94. Habang isinusulat ito, wala pang detalye kung ano ang ikinamatay ng dating pangulo.
Samantala, pinag-uusapan ng mga netizen sa Twitter ang 98-anyos na si Enrile.
"Tibay talaga ni Enrile."
"Enrile nalang talaga ang matibay"
"Nagtetrending si Enrile tapos Rest in Peace lol before ko inopen yung trending tag nag rerecollect nako about enrile's life tapos si Ramos pala yung natsugi kaloka talaga kayo"
"The immortal Juan Ponce Enrile (98yo) outlived another Philippine President. Grabe mas matanda pa sya kesa kay Fidel Ramos (94yo) pero nauna pang na tigok si FVR."
"Ang tatag ni Enrile"
"gago kayo akala ko si enrile nmatay kase siya yung trending next sa rip SJSJSJSJJS anw rest in peace FVR"
"RIP FVR. Enrile when?"
"Gago talaga pinoy. Trending nanaman si Enrile"
"namatay na siya buhay pa rin si Enrile"
"Sa bawat may pumapanaw na involve sa politika di maiiwasan maisip si Enrile.... hahaha"
"Hoy gago dedz na si fvr pero si enrile buhay padin"
"tangina akala ko si enrile na yung namatay kasi trending tas si fvr pala"
"Bilib talaga ako sa will to live ni Enrile."
"si enrile talaga last man standing. lakad matatag si lolo lmao."
"Juan Ponce Enrile and Imelda Marcos outlived the other key players of Edsa People Power: Cory, Marcos Sr., Fabian Ver, Jaime Cardinal Sin, Salvador Laurel, and now FVR."
"Ano kya vitamins ni Juan Ponce Enrile?"
"Naguluhan ako sa trending sorry i thought Enrile died na si FVR pala"
Kamakailan, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. si Enrile bilang kaniyang chief legal counsel.
Nagsilbi ang bagong chief legal counsel sa gobyerno sa loob ng mahigit 50 taon. Naging acting finance secretary siya mula 1966 hanggang 1968, justice secretary mula 1968 hanggang 1970, at minister ng national defense mula 1972 hanggang 1986.
Umupo rin siya sa Senado sa loob ng apat na termino at naging ika-21 Senate President ng 15th Congress noong 2008 hanggang 2013.
Nagsilbi rin siya bilang kongresista ng unang distrito sa Cagayan. At noong 2019, tumakbo siya bilang senador ngunit siya ay natalo.