Ibinida ng fashion designer na si Yeye Pantaleon ang damit ni Binibining Pilipinas Grand International 2020 Samantha Bernardo na hango umano sa isang karakter sa palabas noong 90s na Ghost Fighter.

“Exaggerated” nga kung tawagin ito ng artist na si Pantaleon. Isang malaking gintong rosas na applique ang pinatong sa dress ng beauty queen.

Naging inspirasyon ni Pantaleon ang Japanese character na si Kurama o Dennis na nakilala sa kanyang kapangyarihang kontrolin ang mga halaman at ang kanyang paboritong atake na Rose whip.

Ipinasilip rin ni Bernardo ang suot na gown habang kabog na pumopostura ito sa kanyang Instagram post na may caption na "Binibinis, are you ready?"

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Matatandaan na nasungkit ni Bernardo ang pwesto bilang 1st runner-up sa Miss Grand International 2020 competition na idinaos sa Bangkok, Thailand noong Marso 27, 2021.

Ang Ghost Fighter ay isang animated na serye batay sa isang serye ng manga na may parehong pangalan. Inilathala ni Togashi ang orihinal na manga mula 1990 hanggang 1994.

Ang anime adaptation nito ay unang ipinalabas sa telebisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng IBC-13 noong kalagitnaan ng dekada 90 at sa GMA noong 1999.

Ang animated na serye ay minamahal ng mga Pilipinong tagahanga dahil sa mga makukulay na karakter nito at mga dramatikong kwento.

Bida sa anime na ito sina Eugene, Alfred, Dennis, at Vincent; habang ang mga tumatak na kontrabida naman ay ang magkapatid na Toguro, ang Sensui Seven, at Raizen at ang iba pang mga karakter sa Demon Plane chapter.