Pitong parangal mula sa prestihiyosong Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards o FAMAS, ang nabitbit pauwi ng pelikulang 'Katips' na idinerehe at isinulat ni Palanca awardee director Vince Tañada, na siyang tatapat at lalaban sa pelikulang "Maid in Malacañang" sa mga sinehan, sa Agosto 3.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/">https://balita.net.ph/2022/07/28/pelikulang-katips-tatapatan-ang-showing-ng-maid-in-malacanang/

Bago pa man ang FAMAS, nakatanggap na rin ng mga parangal ang naturang musical film na patungkol sa mga biktima ng Batas Militar noong dekada '70.

Best Director at Best Actor mismo si Tañada. Katips naman ang Best Picture at nakakuha ng Best Musical Score, Best Cinematography, at Best Original Song (Sa Gitna ng Gulo). Best Supporting Actor naman si Johnrey Rivas na aktor sa entablado ng Philippine Stagers.

Tsika at Intriga

Negosyo, nalugi! Ken Chan, 'di raw tinatakbuhan isinampang kaso sa kaniya

Best Actress naman si dating ABS-CBN executive Charo Santos-Concio para sa pelikulang "Kun Maupay Man It Panahon" at Best Supporting Actress naman si Janice de Belen para sa "Big Night", na ginawaran naman ng Best Screenplay.

Best Editing at Best Sound naman ang nasungkit ng "A Hard Day". Best Visual Effects naman ang nakuha ng "My Amanda".

Bukod sa mga pelikula at mga tao sa likod nito, ginawaran din ng FAMAS ang iba't ibang mga personalidad na natatangi sa kanilang larangan.

Present sa awarding si Senadora Imee Marcos para sa parangal na "FAMAS Exemplary Award for Public Service". "Outstanding Public Service Award" naman ang natanggap ni Christopher De Venecia.

Tinanggap din ni Senador Jinggoy Estrada ang parangal na "FPJ Memorial Award" at 'FAMAS Presidential Award" naman para kay Congressman Patrick Michael Vargas ng Quezon City.

Ginarawan din sina Superstar Nora Aunor at premyadong manunulat na si Ricky Lee bilang "FAMAS Natatanging Alagad ng Sining". Kamakailan lamang ay itinanghal na sila bilang mga Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula, bago pormal na matapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kay Ate Guy din ang "Susan Roces Celebrity Award".

"FAMAS Hall of Fame Award" naman ang natanggap ni Allen Dizon dahil sa kaniyang mga panalo bilang Best Actor, at si Jess Navarro para sa Best in Editing.

"German Moreno Youth Achievement'' awardees naman ang social media personalities na si Niana Guerrero at ang kaniyang half-brother na si Ranz Guerrero.

Ang film producer naman na si Moira Lang ang tumanggap ng "Dr. Jose R. Perez Memorial Award". Ang kolumnista at publisher naman na si Renz Spangler ang sumungkit ng "Angelo 'Eloy' Padua Memorial Award for Journalism.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/imee-jinggoy-iba-pang-politiko-makatatanggap-ng-espesyal-na-award-sa-70th-famas-2022/">https://balita.net.ph/2022/07/24/imee-jinggoy-iba-pang-politiko-makatatanggap-ng-espesyal-na-award-sa-70th-famas-2022/

Nababalot ng kontrobersiya ngayon ang 'Katips' dahil sa pang-iisyu ni Juliana Parizcova Segovia na malapit umano sa pamunuan ng FAMAS ang direktor ng "pa-victim na pelikula" kaya raw marahil ito humakot ng awards, batay sa screengrabs na kaniyang ibinahagi sa kaniyang Facebook post.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-may-patutsada-sa-direktor-na-humakot-ng-awards-sa-famas-pelikulang-pa-victim/">https://balita.net.ph/2022/07/31/juliana-may-patutsada-sa-direktor-na-humakot-ng-awards-sa-famas-pelikulang-pa-victim/

Samantala, wala pang tugon, reaksyion, o pahayag ang director-writer ng Katips tungkol sa pasaring ni Juliana.