Nagpahayag ng pakikiramay si Pangulong Bongbong Marcos sa pagpanaw ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.
"I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who passed away today having lived a full life as a military officer and public servant," ani PBBM sa kaniyang Facebook post nitong Linggo, Hulyo 31.
"Our family shares the Filipino people’s grief on this sad day. We did not only lose a good leader but also a member of the family," dagdag pa niya.
Hinikayat din ng pangulo ang publiko na ipagdasal si FVR.
"I call on all Filipinos to pray for the eternal repose of Mr. Ramos. The legacy of his presidency will always be cherished and will be forever enshrined in the hearts of our grateful nation."
Pumanaw sa edad na 94 si dating Pangulong Ramos. Habang isinusulat ito, wala pang pahayag ang kaniyang pamilya kung ano ang sanhi ng kaniyang pagpanaw.