Nagpatupad ng provisional service ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) nitong Linggo ng hapon, bunsod ng nasirang catenary wire.

Batay sa paabiso ng Light Rail Transit Authority (LRTA), dakong ala-1:26 ng hapon nang magpatupad ang LRT-2 ng provisionary service mula sa V.Mapa hanggang Antipolo Station at pabalik dahil na nasirang catenary wire sa pagitan ng Legarda at Pureza eastbound stations.

"Due to a catenary problem between Pureza and Legarda (eastbound), LRT - 2 is still implementing provisionary service. Train service is now available from V. Mapa to Antipolo and vice versa. We are sorry for the inconvenience," anang LRTA.

Kaagad rin naman anilang rumesponde ang engineering at maintenance team para kumpunihin ang sira.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa huling paabiso naman ng LRTA dakong alas-3:43 ng hapon ay hindi pa naayos ang isyu.

Tiniyak rin naman ng LRTA na kaagad nilang ibabalik sa normal ang operasyon sa sandaling tuluyang makumpuni ang sira ng catenary wire.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Recto, Maynila at Antipolo City sa Rizal.