Nanawagan ang isang kongresista na isama ang mga magsasaka at mangingisda sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sinabi ni AGRI Rep. Wilbert Lee, dahil sa pagkakatanggal ng may 1.3 milyong "non-poor" na benepisyaryo ng 4Ps, makabubuting ang mga magsasaka at mangingisda ang isama ngayon sa programa.
Naghain si Lee ng House Resolution No. 89, na humihiling sa DSWD na palitan ng mga magsasaka at mangingisda ang mga tinanggal sa programa.
“Amid their suffering and appalling situation, serious attention should be given by the government to our farmers and fisherfolk now. We must concretely acknowledge their fundamental role in our economy, address their plight and give proper value to their contributions through tangible and impactful assistance to their children and households,” anito.
Binigyang-diin ni Lee na ang mga magsasaka at mangingisda ang nananatiling pinakamahirap sa 11 sektor sa bansa mula noong 2006.
Sa datos ng Department ofAgriculture,lumalabas na ang 31.6 percent poverty incidence ay nasa hanay ng mga magsasaka noong 2018, at 26.2 percent sa hanay ng mga mangingisda.