Karagdagang limang minutong overtime ang naging daan ng pagkapanalo ngMagnolia Chicken Timplados laban sa NLEX, 112-106, na nagdala sa kanila sa PBA Governors Cup semifinals sa Mall of Asia Arena nitong Linggo.
Kumayod nang husto si Jio Jalalon na nakakuha ng 16 puntos, kabilang ang pitong produksyon nito sa OT.
Bukod pa ang kanyang pitong rebounds, anim na assists at dalawang steals na nagpabagsak sa Road Warriors.
Tumulong din si Ian Sangalang na naka-double-double sa naipong 24 puntos, 11 rebounds at tatlong assists habang si Paul Lee ay kumubra ng21 puntos.
"It boils down to this game, 'yung journey namin this conference. I'm very proud kasi hindi kami nag-give up. That means the mental toughness, the grit and determination of the players," sabi ni Magnolia coach Chito Victolero.
Malaki na sana ang pagkakataon ng NLEX na manalo sa papaupos na regulation period dahil hawak nila ang 97-94 laban.
Gayunman, pumukol ng tres si Lee kaya nagkaroon ng deadlock na 97-97 hanggang sa matapos ang 4th quarter.
Sa kanilang overtime, kumana si Don Trollano hanggang sa makuha ng kanyang koponan ang abante, 108-106, 1:03 na lang ang nalalabi sa orasan.
Gayunman, umatake sina Calvin Abueva at Mark Barroca at tuluyang naiuwi ang panalo.
Makakalaban ng Magnolia ang Talk 'N Text sa kanilang semifinalssa Araneta Coliseum sa Miyerkules.