Naging matagumpay ang kauna-unahang GMA Thanksgiving Gala Night para sa 72nd anniversary ng Kapuso Network nitong Sabado, Hulyo 30, 2022, na dinaluhan ng mga Kapuso executives, stars, personalities, politicians, at guests na ginanap sa Shangri-la sa The Fort, Taguig City.

Talaga nga namang inabangan ng mga netizen at proud Kapuso fans ang outfitan ng mga rarampa sa red carpet. Isa na nga sa mga agaw-eksena ang mala-Kim Kardashian look daw ni Kylie Padilla.

Pero ang pinagtaasan daw ng kilay ay ang yellow gown ng seasoned actress na si Alice Dixson, dahil yellow gown ang suot nito gayong black and white na old Hollywood ang motif ng event.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Alice Dixson (Larawan mula sa Manila Bulletin/Screengrab mula sa YouTube channel)

Iniisip tuloy ng mga netizen kung may statement ba ang kaniyang pagsuot ng yellow gown gayong karamihan ay nakasuot ng black and white.

"Black and white na old Hollywood ang motif 'di ba?' Wala na siyang mahugot na gown sa cabinet niya? Wala naman siguro siyang statement sa suot niyang yun?" saad sa isang artikulo ng Philippine Entertainment Portal o PEP. Wala namang paliwanag mula kay Alice kung bakit napili niyang magsuot ng yellow gown.

"Naku tita di ka na-inform na mag-uniform sa event?"

"Dilawan! Hahaha."

"Sabing black and white eh... Pero super duper ganda talaga. Totoo nga kasabihang walang taong perpekto."

"Absent yata sa orientation? Hahaha."

Isa pa sa mga napuna ng netizen ang pagsusuot ng brown outfit ni Michael "Bitoy" V. Buti na lang daw black and white ang kaniyang scarf na suot, sa comment section ng Manila Bulletin.

"White/Black/Silver theme nila for dress code. Nagulat ako nag-brown si Bitoy. Pero dinaya na lang sa scarf. ahahaha."

"Kuya Bitoy buti nahabol yung white and black na scarf kung hindi magagaya ka kay Alice Dixson.

May be an image of 2 people, people standing and indoor
Michael V at kaniyang misis na si Carol Bunagan (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Anyway, may pa-award din ang naturang event para sa mga Kapuso celebrities na lumutang sa naturang Gala Night.

Ang Frontrow Male and Female icons ay sina Viva artist na si Marco Gumabao, at si Rhian Ramos na mala-diwata sa kaniyang suot na gown.

Nakuha naman ni Bianca Umali ang Beautederm Scene Stealer Award.

TikTok Crowd favorites naman sina Miguel Tanfelix at Sofia Pablo.

Nasilat naman ni fashion icon Heart Evangelista ang pagiging Glamorous Star of the Night.

Sparkle Love Team of the Night naman sina Mavy Legazpi at Kyline Alcantara.

Couple of the Night sina Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Sparkle Stars of the Night naman sina Alden Richards at Sanya Lopez.