Nagpositibo sa kinatatakutang monkeypox virus ang isang Pinoy sa Singapore kamakailan, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang naturang Pinoy ay isang lalaki at 31 taong gulang, ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza.

Aniya, nakitaan ng sintomas ng sakit ang lalaki nitong Hulyo 21 at nakumpirma na nagpositibo sa virus matapos magpasuri.

Nakaratay na sa Singapore General Hospital ang naturang Pinoy kung saan siya nagpapagaling sa karamdaman.

Matatandaang inanunsyo ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na nakapagtala na sila ng unang kaso ng sakit na tumama sa isang 341-anyos na pasyente na dumating sa bansa noong Hulyo 19.

Nitong Hulyo 23, idineklara ng World Health Organization (WHO) na isang nang "public health emergency of international concern" ang monkeypox dahil sa paglaganap nito sa iba't ibang bansa.