Hawak na ngayon ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Dr. Chao Tiao Yumol, ang suspek sa pamamaril at pagpatay sa dating alkalde ng Lamitan City, Basilan na si Rose Furigay at sa dalawang iba pa sa Ateneo de Manila University noong Hulyo 24.

Ito ay nang i-turnover ng Quezon City Police District si Yumol sa custodial facility ng BJMP sa Payatas, Quezon City nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa pulisya, bago nila inilipat ng kustodiya, isinailalim muna sa physical examination si Yumol upang matiyak na maayos ang kalusugan nito.

Naiulat na mananatili sa naturang piitan si Yumol habang nililitis ang kaso nito sa hukuman.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

Si Yumol ay nahaharap sa kasong murder (3 counts), frustrated murder, carnapping at malicious mischief kaugnay ng pagpatay kay Furigay at sa tauhan nito at isang security guard ng Ateneo nitong Linggo.

Nakatakdang isailalim sa arraignment proceedings si Yumol sa susunod na linggo kaugnay ng mga kinakaharap na kaso.

Matatandaang napatay ang ama ni Yumol na si Roland, 69, matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng bahay nito sa Lamitan City nitong Biyernes ng umaga.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.