Nakatanggap ang Philippine Red Cross (PRC) ng P15 milyong donasyon mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para mas palakasin ang Covid-19 response operations.

Isinagawa ang turnover ceremony sa BSP Complex sa Maynila noong Hulyo 27.

“The pandemic has shown us that public health is at the core of a resilient society. It teaches us that public health is important to the economy,” ayon kay BSP Governor Felipe Medalla.

Ang nasabing donasyon ay bahagi ng pakikipagtulungan ng humanitarian organization sa BSP bago pa man magsimula ang pandemya noong 2020.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang BSP ay ang unang nag-donate sa PRC bilang pagtugon sa Covid-19 at sinuportahan din nito ang ambulance services ng PRC para sa mga pasyente na tinamaan ng Covid.

Pinasalamatan ni Medalla ang Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines (LCP), Philippine Heart Center (PHC), at National Kidney and Transplant Institute (NKTI).