Inihain ni House Deputy Speaker Vincent Franco Frasco ang House Bill 100 o ang "Dialysis Center Act."

Ang layunin ng panukalang batas ay mapabuti ang paghahatid ng pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan na gawin mas abot-kaya at mas accessible ang hospital facilities.

Sa explanatory note ng House Bill 100, sinabi ni Frasco na ang problema sa kidney ay kabilang sa Top 10 na dahilan ng kamatayan ng mga Pilipino.

Ayon sa mambabatas, ang P2,500 per session ng dialysis treatment ay lubhang mabigat para sa mahihirap na mamamayan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Batay sa panukala, ang “Dialysis Center Act” ay nag-o-obliga sa lahat ng dialysis clinics, sa rehiyonal at panlalawigang ospital, na pagkalooban ng libreng dialysis treatments ang mga mahihirap na pasyente.

Kapag ito ay naging ganap na batas, ang organisasyon, operasyon, at maintenance ng isang dialysis ward o unit sa nabanggit na healthcare facilities, ay obligadong magkaloob ng tulong sa mga tao na sumasailalim sa dialysis.

Isinasaad na pagkakalooban ng free dialysis treatment ang mahihirap na mga pasyente na ang kabuuang kita o annual family income ay hindi lalampas sa P30,000.