Umaani na raw ng pagbabanta ngayon sa kanilang buhay ang pamilya ng doktor na suspek sa naganap na pamamaril sa campus ng Ateneo De Manila University na si Chao Tiao Yumol, ayon sa mismong ina nito na si Muykim Yumol, kaya nanawagan siya kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na matulungan sila.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/29/ama-ng-ateneo-gunman-dead-on-the-spot-nang-barilin-ng-mga-di-kilalang-suspek/">https://balita.net.ph/2022/07/29/ama-ng-ateneo-gunman-dead-on-the-spot-nang-barilin-ng-mga-di-kilalang-suspek/

Matatandaang pinagbabaril at napatay ni Dr. Yumol si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, tauhan nito na si Victor Capistrano, at security guard na si Jeneven Bandiala sa loob ng nasabing paaralan noong Hulyo 24. Agad naman silang binawian ng buhay nang maitakbo sa ospital.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/">https://balita.net.ph/2022/07/24/suspek-sa-pagpatay-sa-dating-lamitan-mayor-3-beses-akong-pina-ambush-ng-pamilyang-ito/

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nitong Biyernes, Hulyo 29, nabaril at napatay ang tatay ni Chao at mister ni Muykim na si Rolando Yumol ng riding in tandem sa harap mismo ng tahanan nila, kahit na bantay-sarado ito ng pulisya. Nagwawalis lamang daw si G. Yumol sa bakuran nang mangyari ito.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/29/ama-ni-dr-yumol-binabantayan-na-ng-mga-pulis-bago-itumba-pnp-official/">https://balita.net.ph/2022/07/29/ama-ni-dr-yumol-binabantayan-na-ng-mga-pulis-bago-itumba-pnp-official/

Sa panayam ng "24 Oras", flagship newscast ng GMA Network, nanawagan si Mrs. Yumol kay PBBM na tulungan sila dahil marami na umanong pagbabanta ang natatanggap nila. Nakasuot pa ng bullet proof vest ang ginang.

"Mayroon na hong bali-balita na pinag-iingat na ho kami, na iisa-isahin nila kami… sana matulungan kami ni Presidente Bongbong Marcos eh nasa panganib na ho ang buhay namin. President, maawa na ho kayo sa amin. Nasa threat ho ang buhay naming lahat," panawagan ng ginang sa pangulo.

Nilinaw naman ni G. Yumol na hindi niya kinukunsinte ang ginawa ng anak. Ayon naman sa abogado ng pamilya Furigay, nagulat umano sila nang mabalitaan ang nangyaring pagpatay kay Rolando.

Nanawagan naman ang mga awtoridad na huwag magpadalos-dalos sa mga paghuhusga ang taumbayan lalo't nagkataong nangyari ito matapos ang insidente ng pamamaril ni Dr. Yumol na ikinasawi naman ng dating mayor ng Lamitan City.