Trending ngayon sa Twitter ang "M to M" at "Kuya Kim" dahil sa tweet ni Kapuso trivia master-host Kuya Kim Atienza tungkol sa kung paano maiiwasan ang kumakalat ngayong sakit dahil sa virus na "monkeypox".
Isang netizen kasi ang nagtanong sa kaniya kung ano ang pinagkaiba ng chickenpox sa monkeypox.
"Chickenpox is less severe and the virus is airborne. Monkeypox is sexually transmitted. M to M," aniya. Tumutukoy ang "M to M" bilang "Male to Male".
Pumalag naman dito ang mga netizen dahil tila "homophobic" daw ang dating nito, at tila natarget ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Isa raw itong disinformation dahil kahit anong gender ay maaaring magkaroon nito, M to F man, o F to F.
Naging masakit ang tirada sa kaniya ng mga netizen lalo't kilala pa naman siya bilang trivia master. Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizen.
"Kuya Kim, this is disinformation. Hindi lang sa 'M to M' sex nakukuha ang monkeypox. Gumagawa ka pa ng statements that will propagate hate towards the community."
"You have 4.1 million followers here on twitter, and you really made fire meet gasoline by saying monkeypox is transmitted sexually “usually” by M to M? That is irresponsible. We’ve had enough of discrimination. Stop this."
"Kuya Kim, wag kang magkalat ng misinformation dito. HINDI YAN SAKIT NA PANG M TO M. Pang lahat ng tao 'yan. Lahat ng gender, basta nagka-Skin to Skin contact, lalo na sa may lesions or fluid or droplets, makakahawa. STOP FRAMING IT AS AN STD."
"Kuya Kim, I believe the better phrasing would be 'it's transmitted thru skin-to-skin contact, which INCLUDES sexual contact' emphasis on the first, not the 2nd."
"M to M? Please elaborate naman Kuya Kim. Stop spreading FAKE NEWS!!! Tandaan you represent GMA News and Public Affairs."
Kaagad namang humingi ng tawad si Kuya Kim sa kaniyang mga nasabi, sa pamamagitan din ng tweets.
"My deepest apologies to those that were affected by my tweet. Some of the things I said were ambiguous and caused a lot of hurt especially to members of the LGBTQ community. You are correct, monkeypox is sexually transmitted but also by non sexual close contact. It is not an STD."
Nilinaw ng trivia master na ang nais niyang sabihin na kadalasan, ang mga naitatalang kaso ay M to M, ngunit tama naman ang mga netizen na lahat ng kasarian ay maaaring mahawaan nito.
"…I am also wrong in saying it's usually spread M to M. Monkeypox can be spread by any person regardless of gender. M to F F to F."
"Again my deepest apologies to the people I hurt by my tweet. I am deeply sorry."