Kaagad na humingi ng paumanhin si Kapuso trivia master at TV host Kuya Kim Atienza sa kaniyang tweet, na tugon sa isang netizen na nagtanong sa kaniyang kung ano ang pagkakaiba ng chickenpox at monkeypox.

"Chickenpox is less severe and the virus is airborne. Monkeypox is sexually transmitted. M to M," tweet ni Kuya Kim. Tumutukoy ang "M to M" bilang "Male to Male".

Basahin: https://balita.net.ph/2022/07/30/kuya-kim-na-bash-dahil-sa-m-to-m-tweet-tungkol-sa-pagkahawa-ng-monkeypox/">https://balita.net.ph/2022/07/30/kuya-kim-na-bash-dahil-sa-m-to-m-tweet-tungkol-sa-pagkahawa-ng-monkeypox/

Umalma naman ang madlang pipol sa Twitter at pinagsabihan si Kuya Kim na "homophobic", "disinformation", at "misinformation" ang kaniyang sinabi. Hindi raw lamang sa male to male sexual intercourse maaaring makuha at mahawaan ng monkeypox kundi kahit female to female, o male to female. Maaari din umano itong makuha sa hayop.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaagad namang binura ni Kuya Kim ang kaniyang pinag-usapang tweet at humingi ng dispensa sa lahat.

"My deepest apologies to those that were affected by my tweet. Some of the things I said were ambiguous and caused a lot of hurt especially to members of the LGBTQ community. You are correct, monkeypox is sexually transmitted but also by non sexual close contact. It is not an STD."

Nilinaw ng trivia master na ang nais niyang sabihin na kadalasan, ang mga naitatalang kaso ay M to M, ngunit tama naman ang mga netizen na lahat ng kasarian ay maaaring mahawaan nito.

"…I am also wrong in saying it's usually spread M to M. Monkeypox can be spread by any person regardless of gender. M to F F to F."

"Again my deepest apologies to the people I hurt by my tweet. I am deeply sorry."

Ibinahagi naman ni Kuya Kim ang screengrab mula sa isang news article kung saan nakasaad na kadalasang mga lalaking nakipag-sexual intercourse sa kapwa lalaki ang nakakukuha ng sakit na ito.

"Men who have sex with men are at the highest risk of infection right now from monkeypox, according to the WHO (World Health Organization)," nakasaad sa news article na kaniyang ibinahagi na pinagbatayan nang nauna niyang tweet.

Sa mga sumunod na tweet ni Kuya Kim ay mas naging maingat na siya.

"From WHO: Monkeypox virus is transmitted from one person to another by close contact with lesions, body fluids, respiratory droplets and contaminated materials such as bedding," aniya.