Gustong panoorinngdating aktres, modelo at VJ na si Giselle Tongi ang“Katips” na pelikula ng Palanca awardee na si Vince Tañada.

"Here’s a film I want to watch about the student activism during the time of the Marcos Dictatorship. Katips! Let me know what you all think!" sey ni G Tongi sa kaniyang tweet nitong Sabado, Hulyo 30, ilang araw bago opisyal na ipalabas sa sinehan ang "Katips."

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

https://twitter.com/gtongi/status/1553107621829259265

Matatandaan na pinatutsadahan ni G Tongi ang isang pelikulang malapit nang mapanood sa mga sinehan, na ayon sa mga netizen, ay ang “Maid in Malacañang” na nakapokus sa pamilya Marcos, 72 oras bago maganap ang EDSA People Power Revolution noong 1986.

“I don’t know how to feel about this new film coming out. How does one distinguish propaganda vs art?” ayon sa tweet ni G Tongi noong Hulyo 20.

Hangad daw ni G na magkaroon ng media literacy skills ang mga manonood na Pilipino kapag pinanood ito.

“I just hope it doesn’t glorify the evils of an administration that caused many Filipinos to suffer. I challenge you to up your media literacy skills & distinguish between the 2.”

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/24/g-tongi-nagpasaring-sa-isang-pelikula-how-does-one-distinguish-propaganda-vs-art/

Samantala, sinita rin noon ng aktres si Ella Cruz tungkol sa pahayag nitong “History is like tsismis”.

Dito ay nabanggit niyang kasama siyang nagmartsa sa panahong iyon, 8 taong gulang pa lamang siya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/07/07/g-tongi-pinagsabihan-na-rin-si-ella-cruz-wag-nak-it-feels-like-erasure-di-tama/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/07/07/g-tongi-pinagsabihan-na-rin-si-ella-cruz-wag-nak-it-feels-like-erasure-di-tama/